28 Facts/Fiction

Sunday, August 16, 2009

As I mentioned to Kuri I will copy his 28 Facts/Fiction post.

1. Hindi ako pala aral, swerte lang kasi pag quiz gumagana ang short term memory ko kaya mataas ang nakukuha ko.

2. Hindi rin ako mahilig mangopya nung high school at college, kapag kailangang kailangan lang talaga, last option ko na ang mangopya.

3. Trip na trip ko ang sounds na heavy metal since highschool, siguro kung highschool ako sa ngayong panahon matatawag din akong emo (kung ano ibig sabihin nun, hindi ko alam).

4. Mahilig ako sa out of town, kung mayaman lang ako narating ko na siguro ang Paris at New York, pero Pasig at New York street palang ang kaya ng budget ko.

5. Hangang ngayon hindi ko parin ma distinguish kung ano ang tiger at lion. Madalas nahihilo sa kanilang dalawa.

6. Hate na hate ko yung mga dumudura sa kalye, parang ako mismo ang nasusuka pag nakakakita ako ng ganung scene, kadiri kasi.

7. Mahilig ako sa pets, ultimo movies na merong kinakawawang animals sobrang tulo ang luha ko, I have a big heart for animals lalo na for doggies.

8. Napalo ako ng teacher ko nung grade 2, akala nya kasi ako ang pinag aawayan ng dalawa kong classmate na lalaki, ganun na ako ka cute bata palang ako.

9. Tabain na ako bata palang, pero di naman ako ganun kalakas kumain, mabagal lang siguro ang metabolism ko.

10. Maaga ako nagdalaga, grade 4 palang may boobs na ako, di na ako nagtraining bra, bra kung bra na agad pagtungtong ng grade 5.

11. Madalas akong mamanyak dahil sa boobs ko, siguro they're so fascinated kasi cute talaga sila.

12. Ayaw ko ng pinipressure ako para gawin ang isang bagay, gusto ko may sarili akong drive para gawin sila.

13. Late na ng matuto akong magswim, kasi nahihiya ako sa asawa ko, marunong syang lumangoy at ako hindi, sayang naman at malapit kami sa resort nakatira.

14. Ayaw kong makakakita ng bulate, ahas, higad at uod. Ni hindi ako hahawak sa basurang may uod na. Sabi ko nga, kahit bigyan ako ng 1 Million, di ako sasali sa Fear Factor.

15. Mas gusto ko ang matagalang biyahe sa bus kesa sumakay ng LRT or MRT. Mas masaya kasi mag travel ng marami kang nakikita and na eenjoy ang lahat ng bagay from the bus kesa sa LRT, madalas siksikan, tayuan na at nagkakapalitan na kayo ng mukha ng kapwa pasahero.

16. I hate being late, kung meron isang bagay na ayoko, yun ay pinaghihintay ako at may naghihintay sa akin. When I can't keep my promise I always try to make up for it.

17. Naging laman ako ng lahat nang big call centers sa Metro, call center hopping? Di naman siguro, gusto ko lang ma experience.

18. Mahilig akong mang ngarag ng local call centers, lalo na kapag sa ISP ang problema, asahan nila tatawag ako within minutes na nawala ang internet connection ko. Kung gaano katagal na wala ang internet ko ganun din ako katagal sa telephone with them.

19. Mahilig akong mag browse ng mga for rent na bahay, kahit di naman ako lilipat, ewan ko ba, I find happiness sa pagha house hunting. Samahan kita gusto mo?

20. Favorite place ko ang 168 sa Divi. Sarap mamili, daming mura at magaganda pa ang quality. Yun lang todo ingat sa wallet at cellphone.

21. Takot ako magdrive, kasi baka di na ako umalis sa driver's seat pag nawili ako, baka mamaya pag gising ng asawa ko asa Baguio na kami.

22. Addict ako sa facebook, plurk and blogger. Alam nyo na kung bakit. Addict din ako sa RC, Sorority at Farmville, ngayon may YoVille narin ako.

23. Paraiso sa akin ang Baguio, kahit may AH1N1 scare dun, willing akong tumira, basta may internet at walang power interruption mabubuhay ako sa Baguio.

24. After college, nag start na akong magcollect ng FHM mags, mas trip ko kasi na makita ang katawan ng babae kesa sa lalake, hhmmm, lesbo na ba ako?

25. Kaya ko ang hindi maligo ng 5 days, basta may aircon sa kwarto at magpapalit ako ng damit with alcohol on the side, baboy ko noh?

26. Mahilig akong magbasa ng books, basta hiram, at wag lang harry potter, kung bakit, obvious naman, sobrang haba, maiksi lang ang pasensya ko eh.

27. Favorite resto ko ang MannHann at Manang, sarap ng lemon iced tea, beef broccoli at letson kawali, sarap sarap.

28. Madiskarte ako pag kinakailangan, kayang kaya kong makipag bunong braso sa lalake para lang makasakay sa FX.

Parang marami pa, pero saka nalang ulit...

0 comments:

Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino