Hay.. it was a tiring Wednesday afternoon when my husband's family decided to move our things to the new house. Yun lang daw kasi ang available time nila to help us. Ang plano naman sana ay start kami ng Thursday then imumove namin lahat ng gamit by Friday. Eh since sila lang naman ang inaasahan naming tutulong kaya wala kaming naging choice, kahit pa may sakit si Jeff at manggagaling naman ako sa work.
It was around 6:30 AM when my husband told me na kailangan na naming lumipat nung araw na iyon, yun lang daw ang available time ni Tito John at kapatid nyang si Tany. Sabi ko naman, since wala naman talaga kaming pera nung time na yun at sila na raw muna ang sasagot, eh umoo nalang ako. Constant ang naging communication namin ng biyenan ko kasi kailangan naming malaman kung anong oras ang dating ng Tito nya sa bahay. Around 12 noon, tumawag ulit ako sa bahay, nalaman kong andun na sila and they're eating lunch na pinadala ng mama nya. Minadali ko ang mga gawain ko sa office at nagmadaling umuwi. Pagkadating na pagkadating ko, andun na sila sa puntong binubuhat ang cabinet namin at ilan pang mga gamit. nagbihis lang ako ng pantalon at dali daling inasikaso ang mga gamit na di pa naitatabi. Mga naka ilang balik din sila. Natuwa naman ako kasi kitang kita kong concerned ang pamilya nya sa kanya. Andun ang Tito John nya at mga barkada ng mga ito at ang mga kapatid nyang sina Jason at Tany. Ayaw nila halos pagalawin ang asawa ko kasi nga alam nilang may sakit ito. It took us around 3 hours to get everything to the new house. Sobrang pagod kami. Di na nga namin nadala ang kama namin dahil sa mahinang klase lang pala ito at nasira sya habang tinatry i move. Okay lang, sanay naman kaming sa kutson lang. Problema lang ay baka madumihan ang kutson. Anyway, after madala ang last batch ng gamit dinala na namin si Lola, nagpaalam ng maayos sa may ari ng bahay at nagpasalamat na rin.
Matapos ang nakakapagod ang makalabas dilang adventure nailipat narin naming lahat ang mga gamit namin. At dahil sa maraming tumulong sa amin nagpa inom na ang asawa ko, nagpakain narin. Nag uwian na sila around 8:30 na, nagawa pa naming mag kwentuhan that night. Nakatulog ako mga 10 na. It was so tiring na di na namin nagawang makapasok kinabukasan. Besides the fact na inaapoy na si Jeff ng lagnat, di ko naman halos maigalaw ang katawan ko sa sakit. So, ayun nagkaroon ako ng first official absent sa Dell. Kinabukasan, sangka tutak na hugasan ang inurong ko, mga kalat na nun ko lang din nakita ang niligpit ko. Nakakapagod pero atleast medyo okay na ang mga gamit namin. I'll just keep you updated sometime this week kung ano pang mga nangyari and hopefully may pictures na rin ako..
Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino
0 comments:
Post a Comment