Working electric circuits

Monday, June 4, 2007

5 days na kaming dun natutulog sa bago naming rented apartment at slowly nakikita kong maganda ang nilipatan namin. Why? because hindi sya naninira ng gamit. Akala ko before defective lang talaga ang nabili naming aircon, kasi nung ginagamit namin sya sa bahay, pupugak pugak, parang wala halos ilabas na lamig. Pero nung first time naming sinubukan kagabi, wow, nabigla ako, ang lakas pala ng buga nya. Gininaw nga ako eh. Parang may yelo sa loob ng room at pag labas mo macocompare mo ang init ng hangin sa labas at lamig sa room. Pwede na syang gawing ref. Narealize ko tuloy, gumagana naman pala eh, hindi nasayang ang 4,500 na inawas ko sweldo ko, mabili lang namin sya. Another thing is, yung TV namin na maliit, before 7-20 times sya kung mag on and off bago may stay na on, pero ngayon on sya agad. Di na namin kailangang ireset ng ireset. At ang mga ilaw namin, hindi madaling mapundi. Ang electric fan, ang lakas na ng buga, para na syang monster pag ginagamit ehehheh.. Ang ref namin, naisalba namin sa muntikang pagkasira. Pero the best parin ang airconditioner, kasi naman nag bill kami ng as much as 2,200 sa electric bill pero hindi ko naman na enjoy ang lamig nya. Anyways, sana nga magtuloy tuloy na ito..

0 comments:

Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino