Budget

Tuesday, June 26, 2007

Dumating na rin ang aming Electric Bill, tumataginting na 2,199.00 pesos. Ito na ang epekto ng magandang bahay, maraming ilaw at maraming gamit. At since di na masyadong mainit nowadays, iniiwasan na rin namin ang gumamit ng airconditioning unit. Masyado na kasing magastos since nalipat kami sa bagong bahay. Madalas na kaming manuod sa malaking TV kasi maganda na ang sala namin, pag nasa taas naman aside from the airconditioning unit naka on din ang TV, sometimes sabay pa nga ang nasa babang TV and yung asa room. Alam kong habang gumaganda ang buhay namin nagiging magastos din kami kaya di kami masyadong nakakaipon, thinking na wala pang work ang asawa ko, mas naging mahirap yun para sa amin. Kaya naman nagtitipid na kami sa pag gamit ng mga electrical devices sa bahay, lalo na ang aircon. Salamat nalang at di masyadong malaki ang ibabayad ko sa house this katapusan. P3,000 lang, plus electric bill na P2,200, plus groceries na almost P1,000, pambayad pa sa credit card P1,000 eh P7,200 na. Malamang maliit lang ang swelduhin ko. Hay.. hindi ko na alam ang gagawin kong pagbudget, sana makayanan ko, namin ito.

Some more pics..

Thursday, June 21, 2007




Ang pictures (cont)

Picture to sa cab, with Frances...






Frances and Joy





Sila ulit..




More pics..















Tiring Weekend

Tuesday, June 19, 2007

Nag file ako ng leave more than a week ago, para sa June 15 and June 18, napapagitnaan nya ang Saturday saka Sunday kong day-off. Ang sarap diba, 4 days na pahinga, sana nga naging pahinga nalang, kaso nag file ako para sa iba pang errands ko. June 15, araw ng sweldo, sinamahan ko si Bebeng maglimayon sa Makati, una kailangan nyang itransfer ang BIR nya. So, sinamahan ko sya at kinuha ko narin ang ID ko which I applied a few months ago. After that, we went to Intelicare, para isubmit ang final requirements for his medical exam. Then we went to Convergys para naman isubmit ang iba pa nyang requirements duon. About lunch time we went to Sta. Cruz to purchase the wedding gift for Pao and Aljude. Nakapaglunch kami around 2PM na sa isang mall sa Recto, dun narin kami nag grocery. Grabe it was a very tiring day for us, specially me, I expected kasi na medyo makakapag rest ako ng mahaba haba, hindi pala. Pero it was worth it kasi marami kaming na accomplish that day..

June 16, 2007



Hay, one of the most tiring day of my life. We woke up around 5 AM because naglinis kami ng house and namalengke, we have to hurry kasi masyado kaming maraming lakad. Nag lunch kami ng medyo early para di mahuli sa wedding ng friend kong si Pao. Around 12 noon I was getting ready na with our clothes, and konting ayos ng mukha na rin ehehehe.. Mga 2:30 asa Megamall na kami to meet our friends, buti nalang din na late sila kasi it bought us time para makabili ng belt si Bebe, maluwang kasi ang pants nya, around 4:00 PM asa Grace Bible Church narin kami. It was a solemn wedding, mostly family and friends ang invited, since it was getting late na we decided not to finish the entire wedding kasi kailangan na naming umalis para sa birthday ni Mama. Umalis kami dun past 7 na. Nag cab nalang kami and yet past 9 na nung marating namin ang Valenzuela. If you didn't know, di kami nag usap ng nanay ko for 6 months, because of some issues na medyo mababaw lang pero syempre lumala as time passed by. I said sorry agad kasi I know my mom, hindi sya mag iinitiate ng sorry. Anyways, okay na kami, infact duon pa nga ako natulog, si Bebe, he had to leave kasi may serve pa sya sa church ng Sunday morning. Since sobra ko silang na miss katakot takot na kwentuhan lang ang nangyari, halos di ako nakatulog. Sila Budo and Baby ang kausap ko up to the wee hours of the morning, si Mama naman nuong umaga na.



Pictures ng pag aantay kila Frances and Joy..






The receipt of bebe's belt, ang mahal para sa isang beses na gamitan.










Wala nang magawa kundi picture picture, kahit lusaw na ang make up.














Hiding from the camera, shy ako eh..















Bebe's enjoying the Mc Float..











Pati black and white na try na namin..












Merienda while waiting for Frances and Joy at McDonalds.










May Sapia pa.. Thanks to Pao's cam..









Pati si Bebe nagtry na rin..











Wow, sarap ng float..








Busy Sunday

Monday, June 11, 2007

Last Sunday, since busy weekend nga, dinagdagan ko pa ng isa pang lakad ang sunday ko. As early as 4 in the morning gising na kami to go to Manila para magserve sa church nila Jeff. 6AM kasi ang weekly schedule nya dun sa church na yun. After an hour we went straight to their house and rest for a while. Around 9 nagpunta na kami sa Divi to check out some of the stores there ng giveaways para sa Cluster Building ko sa office. Bumili narin ako ng blouse na isusuot ko sa wedding ni Pao. Right after that we went to Arangke (I dunno the spelling) and bumili na kami ng isa pang rabbit, si Ebe (di ko pa sure baka baguhin nya ang name ulit). Bumalik kami ulit sa kanila to have lunch and nagpalinis narin kami ng kuko in preparation for Pao's wedding parin. After some time we decided to go home na. On the way home nagstart ang kamalasan ko, nung asa malapit na kami sa Shaw Blvd, kinailangan na naming lumipat ng jeep, buti nalang at di pa kami nakakabayad. Dun sana kami bababa sa may kabila ng palengke para konti nalang ang lalakarin, ang siste, ang lintek na driver dumiretso, napalayo na tuloy kami. Sumakay kami ng tricycle pero ang lokong driver mag yu uturn sa di dapat daanan at may nabangga syang isa pang tricycle driver, muntik narin ang asawa ko, kung maling anggulo lang ang binangga nung isa pang driver. Pinilit parin nya kaming ihatid, hangang palengke nga lang dahil daw tutulungan nya yung nabangga nya, ang kapal ng mukha nya at nakuha pa nya kaming singilin. Bukod sa malayo ang lalakarin namin eh malapit lang ang tinakbo ng tricycle nya sa binabaan namin. Ayun, muntik ko pa syang awayin. Naglakad na nga kami, mainit na ang ulo ko kasi bukod sa mainit eh malayo talaga ang nilakad ko, prinoproteksyunan ko pa ang maliit kong rabbit. Pag uwi naman sa bahay, nagrest lang ako sandali habang nag huhugas ng pinggan ang asawa ko. Mga ilang minuto pa nag aayos na ako ng mga lalabhang damit nang nakita ko ang loob ng washing machine na puno ng ebak ng daga. Kaya iyon, mga 1 hour din kaming nagpambuno at naubos ko ang zonrox at ipinaligo ko sa kanya, hangang napilitan narin syang lumabas ng bahay, sana nga patay na sya. Ganun kagrabe ang pangyayari sa araw ko kahapon, tiring and full of adventure. Pero I managed to take two pics of my new rabbit kaninang umaga.



Inuman Session

It's been a busy weekend, a day after ng visit ng in-laws ko ay ang scheduled inuman ng aming secret society sa aming batch sa Dell. Grabe 3 Whiskey ata yun, 1 Tequila at 12 na red horse na mucho ang tinungga namin. Grabe, akala ko babagsak ako pero mukhang okay naman ako nung naka uwi ako. Kasama ko nun ang asawa ko at kahit sya ay lasing na.

Here are some of the pics:















































Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino