Puro nalang problema
Tuesday, July 31, 2007
Last day nanaman ng buwan, ito hirap parin.. Nakahiram nga ako sa 5-6, sobrang 5-6 nga sya kasi kailangan 3 sweldo lang ang bayaran, ang nahiram kong 4000, 800 tubo. Pero sabi ni Mrs. Santos pag binayaran ko within 15 days eh 400 nalang ang tubo nya. Yung 500 dun pinahiram ko sa nanay ni Jeff na kasalukuyang naghihirap din. Yung tira, pinangbaon naming 2 at pinangkain ang pambayad ng electric bill. Mahirap, sobrang hirap ng sitwasyon namin, hindi ako masyadong makapag isip. Parang binabarahan lahat ng problema ang utak ko at di ko maintindihan ang lahat ng dumarating. Unang una ay ang pambayad ng bahay, kahit pa sabihing naitatabi ko naman ang pambayad dito pero kulang parin. Pambayad sa credit card ko, ilang buwan narin akong di nakakahulog, pambayad sa phone, iniexpect ko na ilang weeks nalang lalabas na ang bill ko dun at isa pang bayaran yun. Sa totoo lang di ko iniexpect na mamomroblema ako ng ganito, at kung alam ko lang di ko na sana sinigundahan ang idea ng asawa ko na lumipat ng bahay, mas naging komplikado ang lahat. Sana lang madaan ko sya sa tulog, pero ang totoo ilang buwan ko nang gustong iyakan lahat lahat ng ngyayari sa amin, sa akin. Lahat nalang ng napupundar kong gamit eh out of date na, ang cellphone ko, ilang taon naba ang nakakaraaan ng huli ko syang palitan. Kailan nga ba ako huling bumili ng maayos na gamit? Puro nalang para sa bahay ang nabibili ko, siguro nga nagseself pity lang ako, at ngayon nga ultimo kama namin di kami makabili dahil sa problema namin ngayon. Si Jeff, nagstart nga sya sa CVG pero may chance na matanggal pa sya, more than 2 weeks na syang pumapasok at syempre dapat ay may nakatabing pangpamasahe nya mula sa sweldo ko, 15 days pa bago ang unang sweldo nya. Ang araw naman dumadaan at parang ang bagal bagal, parang wala akong pupuntahan. Paulit ulit sa araw araw. Sumweldo na ako nung Friday last week, pero ang sweldo syempre may kaltas ng 1600 para dun sa 5-6. yung natira pinanggrocery, pamalengke, at pambayad sa bahay. Nabigyan ko na rin ng pera para sa pamasahe si Jeff. Kahapon naman pag uwi ng asawa ako, ramdam ko agad na may problema sya. Nalaman ko after naming mag dinner na delikado nga sya sa CVG. Would you imagine, pera na nga ang problema namin pero heto at di pa sya sinuswerte sa trabaho. Nu nga ba ang magagawa ko? Saan pa nga ba ako kukuha ng pera? Minsan nga nakakahiya na, sa call center kami nagtatrabaho pero ito, ni isang pirasong panty di ako makabili. Kailan nga ba masusulusyunan ang problema ko? kailan???
MP3 downloads
Monday, July 23, 2007
I've learned something new that I'd like to share to you. All these years I've really wanted to be able to download MP3s from the internet, but I was never able to download because I don't know how. Till, a friend of my mine and a colleague gave me a specific hint, using google and this: intitle:index.of? mp3 (name of the artist). You would be able to get the best websites to download the best MP3s. Be careful though because there are sites that would allow you to download songs sang by impersonators, fake singers. Hehehe..
5-6.. Answered prayer or bawal na hiram?
Friday, July 20, 2007
Dahil sa kailangan ko talaga ng money para pambayad sa monthly bills ko this end of the month kinailangan na naming kumagat sa 5-6. Actually first time kong mangutang ng 5-6, although nanghihiram ang mama ko nun sa bumbay at sa nagpapa 5-6 sa aming lugar para sa pang enroll ko nung college, never ko pa talaga nagawang mangutang for myself. But because sobrang higpit na ng need namin for money eh kailangan na talaga. 20 percent ang tubo, kailangan pa nasa kanya ang ATM for 3 consecutive payout para sure daw na makakabayad kami, kailangan pa ng company ID saka payslip, oh diba, kulang nalang magbackground check sila. Contact lang sya ng mother in law ko, nagipit lang talaga kaya kahit na nga 5-6 eh papatulan na namin. Sana nga makaraos kami sa ganito, im really wishing. I've been actually praying na magkaroon kami ng pera, just enough to sustain our needs until the end of the month, sana nga we did the right thing.
Still not enough
Wednesday, July 18, 2007
Jeff started his new Job last Monday, July 16, 2007. It was an A-Ok start for him but he also got the worst bad news I've heard that day. He was an hour early, they were dismissed early because it was their first day, they didn'treally have anything to do so they just went home. Anyway, he said that his salary will only be credited on Aug. 15, which is almost a month from his start date. I didn't know how to react because we were already expecting that he'll get his salary at the end of the month and we will be able to pay our debts. I've not been able to pay my credit card for 3 months, our phone bill is due on the 30th, we owe his aunt 1K pesos and I owe a friend of mine 500 pesos. It's really difficult to think about what's happening, it's really getting out of our control. I don't want to think about it, but hey, it's money, we can't survive without it, that's reality. So, I decided to panic. I started by sending SMS to my friends, was able to borrow 500 pesos from a friend of mine. I know it's not gonna be a good week for us, especially that my sister's birthday is due tom, I'm bound to give her 1K on Saturday because she'll be inviting her friends for a small party at my mom's house. Anyway, I hope God help me and Jeff get through this situation.
Labels:
call center,
call center life,
family,
Jeff,
life in the call center
Another week of higpit sinturon
Monday, July 16, 2007
Oh well, ito na nga ang sinasabi ko, Monday palang ubos na ang sweldo ko at nakapangutang na ako sa mga friends ko. Imagine naman, nagbayad ako sa rent ng bahay, tubig, groceries at namalengke pa ako. Itinabi ko narin ang pera para sa birthday ng sister ko. Nagbayad pa ako dun sa nagkabit ng phone namin. Dapat kasi sisingilin kami ng Globe ng more than P1500 para sa overspan ng linya namin, malayo daw kasi kami sa box eh, pero since nagawan ng paraan ng technician, nagbigay kami ng P800, atleast menos na diba. Pamasahe pa ni Jeff sa mga susunod na araw dahil start na sya sa Convergys. Kaya nakakahiya man, I had to do something kesa naman magutom kaming dalawa. Nagtext na ako sa friends ko, at nakapangako naman sila ng tulong, tig 500 ang hiniraman ko, dalawa sila. So, siguro naman medyo enough na yun until sa susunod kong sweldo next Friday.
Unti unti ng lumiliit ang mundo namin, lumalala ang nararamdaman kong stress, di ko pa mapaayos ang ngipin ko, gusto kong ipa root canal but financially alam kong di kakayanin, bahala na, kaya nga halos araw araw na akong gumagastos dahil sa sakit na nararamdaman ko. I'm just hoping that this time magtagal si Jeff sa work nya, as much as I would like to take care of him, di ko magawa ng 100 percent kasi nagwowork din ako. Oh, sana lang matapos na ang buwan na to, I know we both can make it, sana God will give the strength to surpass all these trials.
Unti unti ng lumiliit ang mundo namin, lumalala ang nararamdaman kong stress, di ko pa mapaayos ang ngipin ko, gusto kong ipa root canal but financially alam kong di kakayanin, bahala na, kaya nga halos araw araw na akong gumagastos dahil sa sakit na nararamdaman ko. I'm just hoping that this time magtagal si Jeff sa work nya, as much as I would like to take care of him, di ko magawa ng 100 percent kasi nagwowork din ako. Oh, sana lang matapos na ang buwan na to, I know we both can make it, sana God will give the strength to surpass all these trials.
Higpit ng sinturon
Friday, July 13, 2007
Dumating na ang sweldo, pero hell, kailangan parin ng ibayong pagtitipid. Kailangan parin kasi kaming magbayad ng bahay, birthday pa ng kapatid ko, syempre naman kailangan kahit papano meron syang handa, at ako ang sagot. Kailangan din namin gumastos para sa iba pang requirements ni Jeff sa bago nyang trabaho. Kailangan din naming mamalengke at mag grocery, marami rin kaming kailangang bilhin para sa bahay. Nag alot narin kami ng pera para sa start nya sa Convergys, pamasahe and pambaon. We're both hoping na may swelduhin sya sa katapusan para may pandagdag kami sa panggastos sa bahay. And sana nga dumating na ang hinihintay naming back pay nya, matagal na rin kasing inaasahan namin yun. Nakalaan narin yun para sa pagbili ng bed namin. Sa ngayon kasi Japanese style parin ang aming bed kasi nga di na namin nadala yung dapt naming kama sa bagong bahay.. Sana nga makaraos kami.. I know we will, with God's help.
Transformers
Thursday, July 5, 2007
Grabe Dell had really proven that they are so much concerned about their employees' welfare. One of the few things na hindi ko na masyado magawa is ang panunuod ng sine with my hubby, lack of time na rin kasi. Tapos, they gave some teasers about the film Transformers. Syempre I was so excited, kaso nga lang I got worried kasi baka exclusive sya for Dell employees. But since tickets naman ang pinamimigay I found a way to get a ticket for my hubby. 5:10 nag start ang movies, umpisa palang napa Wow na talaga kami, ang GANDA grabe. All the stunts were amazing, lalo na ang mga autobots. Although di ko talaga naging fascination ang manuod ng transformers kahit nung bata pa ako, pero napahanga ako ni Steven Spielberg. It was a very good movie. Napanganga na nga lang ako kasi talagang Wow. Anyways, kahit medyo late na kami nakauwi ng asawa ko it was worth it. We enjoyed it so much.
Labels:
call center,
call center life,
Dell,
life in the call center,
movies
Subscribe to:
Posts (Atom)
Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino