Puro nalang problema

Tuesday, July 31, 2007

Last day nanaman ng buwan, ito hirap parin.. Nakahiram nga ako sa 5-6, sobrang 5-6 nga sya kasi kailangan 3 sweldo lang ang bayaran, ang nahiram kong 4000, 800 tubo. Pero sabi ni Mrs. Santos pag binayaran ko within 15 days eh 400 nalang ang tubo nya. Yung 500 dun pinahiram ko sa nanay ni Jeff na kasalukuyang naghihirap din. Yung tira, pinangbaon naming 2 at pinangkain ang pambayad ng electric bill. Mahirap, sobrang hirap ng sitwasyon namin, hindi ako masyadong makapag isip. Parang binabarahan lahat ng problema ang utak ko at di ko maintindihan ang lahat ng dumarating. Unang una ay ang pambayad ng bahay, kahit pa sabihing naitatabi ko naman ang pambayad dito pero kulang parin. Pambayad sa credit card ko, ilang buwan narin akong di nakakahulog, pambayad sa phone, iniexpect ko na ilang weeks nalang lalabas na ang bill ko dun at isa pang bayaran yun. Sa totoo lang di ko iniexpect na mamomroblema ako ng ganito, at kung alam ko lang di ko na sana sinigundahan ang idea ng asawa ko na lumipat ng bahay, mas naging komplikado ang lahat. Sana lang madaan ko sya sa tulog, pero ang totoo ilang buwan ko nang gustong iyakan lahat lahat ng ngyayari sa amin, sa akin. Lahat nalang ng napupundar kong gamit eh out of date na, ang cellphone ko, ilang taon naba ang nakakaraaan ng huli ko syang palitan. Kailan nga ba ako huling bumili ng maayos na gamit? Puro nalang para sa bahay ang nabibili ko, siguro nga nagseself pity lang ako, at ngayon nga ultimo kama namin di kami makabili dahil sa problema namin ngayon. Si Jeff, nagstart nga sya sa CVG pero may chance na matanggal pa sya, more than 2 weeks na syang pumapasok at syempre dapat ay may nakatabing pangpamasahe nya mula sa sweldo ko, 15 days pa bago ang unang sweldo nya. Ang araw naman dumadaan at parang ang bagal bagal, parang wala akong pupuntahan. Paulit ulit sa araw araw. Sumweldo na ako nung Friday last week, pero ang sweldo syempre may kaltas ng 1600 para dun sa 5-6. yung natira pinanggrocery, pamalengke, at pambayad sa bahay. Nabigyan ko na rin ng pera para sa pamasahe si Jeff. Kahapon naman pag uwi ng asawa ako, ramdam ko agad na may problema sya. Nalaman ko after naming mag dinner na delikado nga sya sa CVG. Would you imagine, pera na nga ang problema namin pero heto at di pa sya sinuswerte sa trabaho. Nu nga ba ang magagawa ko? Saan pa nga ba ako kukuha ng pera? Minsan nga nakakahiya na, sa call center kami nagtatrabaho pero ito, ni isang pirasong panty di ako makabili. Kailan nga ba masusulusyunan ang problema ko? kailan???

0 comments:

Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino