Oh well, ito na nga ang sinasabi ko, Monday palang ubos na ang sweldo ko at nakapangutang na ako sa mga friends ko. Imagine naman, nagbayad ako sa rent ng bahay, tubig, groceries at namalengke pa ako. Itinabi ko narin ang pera para sa birthday ng sister ko. Nagbayad pa ako dun sa nagkabit ng phone namin. Dapat kasi sisingilin kami ng Globe ng more than P1500 para sa overspan ng linya namin, malayo daw kasi kami sa box eh, pero since nagawan ng paraan ng technician, nagbigay kami ng P800, atleast menos na diba. Pamasahe pa ni Jeff sa mga susunod na araw dahil start na sya sa Convergys. Kaya nakakahiya man, I had to do something kesa naman magutom kaming dalawa. Nagtext na ako sa friends ko, at nakapangako naman sila ng tulong, tig 500 ang hiniraman ko, dalawa sila. So, siguro naman medyo enough na yun until sa susunod kong sweldo next Friday.
Unti unti ng lumiliit ang mundo namin, lumalala ang nararamdaman kong stress, di ko pa mapaayos ang ngipin ko, gusto kong ipa root canal but financially alam kong di kakayanin, bahala na, kaya nga halos araw araw na akong gumagastos dahil sa sakit na nararamdaman ko. I'm just hoping that this time magtagal si Jeff sa work nya, as much as I would like to take care of him, di ko magawa ng 100 percent kasi nagwowork din ako. Oh, sana lang matapos na ang buwan na to, I know we both can make it, sana God will give the strength to surpass all these trials.
Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino
0 comments:
Post a Comment