Whew.. Kakagaling ko lang from a 1-day off. It's a little tiring though. Kasi nung Saturday, as soon as I arrive home nagdala kami kaagad ng gamit to our new house. Then nung Sunday, as early as 4 AM naglinis na ako ng house, preparing other things na madadala pa namin that day, at the same time naglaba narin ako, kahit mga underwear lang and ilang pants para sa 1 week na trabaho. Kasi by Thursday kailangan atleast 40 percent ng natitirang gamit namin madala na namin sa lilipatan namin and come Friday, dapat andun na kami matutulog. As soon as Jeff arrived from his weekly church service we had lunch then we again went to the new apartment with the two mini sofas' and ilan pang gamit namin. Tapos naming dalhin dun ang mga gamit, nilibot lang namin ang bagong lugar naming titirhan, mas malapit na pala kami sa palengke, infact nilakad lang namin iyon from the new house. Nalaman ko rin na from our place ilang hakbang lang sakayan na ng mga jeep na papuntang Cainta. So, it's more accesible for me, mas madali na akong makakapasok. Di ko na kakailanganing mag tricycle. Si Jeff naman ang medyo malalayo sa trabaho, but since he'll be applying to a different company again, baka mag apply nalang sya sa Ortigas para mas malapit. Nagmerienda kami sa Palengke then we went to a computer shop in Kapasigan to check our email. When we arrived home around 6 nagluto na si Jeff ng dinner at ako inuunti unti ko na ang mga damit namin. We ended the day na most of our things nailipat na at prepared na for lipatan.
It's a mix feeling, knowing na in a few days we'll be in a different apartment, with different people to deal with, panibagong pakikisama. Mamimiss din naman kahit papaano ang maraming bagay na nakasanayan na namin sa apartment namin ngayon. We have our very own security, accessible din naman sya kahit paano, at ang mga madalas naming kinakainan. Ngayon, sa bagong apartment, though mas malaki sya I'm just a little scared kasi I saw a big rat roaming around the area outside the house. Wala kasing pusa dun unlike sa apartment namin ngayon. Asa dulo kami (ulit). Ayaw ko sana nung huling apartment kasi nadala na ako na asa duluhan ang bahay pero parang sinasadya ng panahon dahil talaga namang mas maganda ang duluhang apartment dahil sa bagong pintura ito ang maraming nirepair na part ng bahay. Yung asa gitna kasi bukod sa mabaho na eh ang dumi pa ng pintura, at tinanong ko yung may ari kung papapinturahan nila, sabi niya hindi, so ayun right there and then pinili namin yung dulo. Ang ikinagusto ko dun naman ay ang environment, tahimik, konti lang mga kapitbahay, maaliwalas, mukhang wala silang pakialam sa isat - isa at malaki yung apartment. 2-bedroom, may sariling kuntador, may dirty kitchen, nakatago ang CR at yun nga bagong pintura. Kasyang kasya na ang mga gamit namin dun. And one more, ang water ay overflowing. May sarili na kaming water, we don't need to share to other renters. Medyo mahal nga lang, 2K over the rent nung apartment namin sa Dr. Pilapil St., pero I know and im hoping it's gonna be worth the stay. No more neighbors na insensitive sa ibang tao, chismosa and pakialamera. Malayo narin kami sa squatters area na maingay kahit hangang madaling araw. Ngayon, kami nalang ang mag iingay sa bagong apartment. Hehehe.. Anyways, I hope we can finish moving everything before weekend para makapag rest na ako. I need it badly.
Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino
0 comments:
Post a Comment