Lipat Bahay

Tuesday, May 22, 2007

Lilipat nanaman kami, tama sa pangatlong beses lilipat kami ng bahay. Syempre sa Pasig parin. Gusto ko talaga sa Pasig eh. Maganda ang environment, maraming mababait na tao and parang province sya sa gitna ng city.

Unang bahay namin ni Jeff, asa isang makipot na street, luoban kung tawagin, Villa Lamok pa ang pangalan ng street. P2,500 lang ang upa namin, mura kung tutuusin, pero kung talagang susumahin mo lugi parin kami. Bukod sa napakaliit (size lang sya ng room namin), eh ang dami pang problema. Unang naging problema namin ay ang koryente, dati syang bahay nung anak ng may ari, nung namatay ang asawa nung lalaki dahil sa panganganak, pinarentahan nalang nila yung bahay, pero dahil sa koryenteng share share, naging share share din ang bayad. Kaya kahit ang gamit naming iisang electric fan na maliit at TV na 12 inches, P800 and ibinabayad namin sa electric bill, di pa namin nakikita ang bill (magic anoh). Ganun din sa tubig, dadalawa lang kami, panligo lang ang gamit namin dahil nakikilaba kami sa Tito nya na 2 houses away, pero ang bill, magugulat ka sa 200 - 300 pesos. Ganito ng ganito ang sitwasyon namin for 5 months, until on the 3rd month we decided to leave. Although may mga advantages din naman nung andun kami. Nakakautang kami sa kapitbahay ng ulam. Kahit ala kaming ref nakakapag ulam din kami ng masarap pero syempre may bayad yun pagdating ng sweldo. Isa pang nakapagpa trigger sa amin umalis ay yung CR. Imagine that asa labas ng house ang CR, may instance pa nga na may tao sa loob ng cr na di namin kilala. Bastos diba. Anyway, hindi pa iyon, nung malapit na kaming umalis bigla nalang isang araw napapansin kong parating may "ano" dun sa CR, yun pala nalaman kong kahit anong flush ang gawin ko bumabalik lang ang "ano" na iyon. Kadiri diba? So, ayun sobrang nareach na ng bahay na yun ang limit ko kaya dali dali kaming nagbalot para lumipat kasama ang iilan naming gamit.

Second house namin ang tinitirahan namin ngayon hangang sa katapusan ng June. Okay naman sya, in fact it was our very last option kasi we were running out of time nung makita namin sya nung Nov '05. Pinaka dulong bahay sya sa isang compound ng apartment ng kapitan ng Baranggay Sagad, maliit, parang kasize lang ng dati naming house, ang maganda lang 2 storey sya. Medyo sira sira na ang tiles ng kitchen, mainit kung umaga, maingay naman kung gabi. Pero wala kaming masasabi sa mga may ari. They treated us like their own kids. Malapit sya sa school, malapit sa kainan at malapit sa sakayan ng jeep. P4000 ang rent, naging P2000 per sweldo ang naging pagbabayad namin. May kuntador na ang kuryente kaya ang P800 naming bill sa dati naming bahay naging P150 nalang. Libre din ang water kasi naman wala namang gripo sa loob ng bahay, kinailangan pa naming bumili ng mahabang hose. Ang naging problema lang talaga ay ang mga kapitbahay. Nung una nakikisama kami pero talagang di na namin makakasundo ang mga tao dun. Isa sa mga trigger points kung bakit kami nag decide umalis. Ang tagal din namin dun, 1 year and a half. Ang dami rin naming naipong gamit sa bahay na yun, from the deskfan, aparador, kutson and maliit na tv, nakabili kami ng kama, malaking kutson, ref, malaking TV, sofa ang kung ano ano pa. Siguro swerte rin ang bahay na yun, pero may kakaibang mga pangyayari din sa bahay na yun, kahit ilang beses kaming magpalit ng ilaw sa salas parati nalang napupundi, kailangan di sya patayin, otherwise 4 hours bago sya mabuhay ulit. Saka ilang beses akong nasisiraan ng gamit, yung computer, minsan ayaw na magboot, yung electric fan twice na nasisira, ngayon naman yung ref. Parang sunod sunod na nasisira ang mga gamit sabay ng pagkakasakit ng asawa ko. At ito na nga, maglilipat na kami, unti unti, pero sisiguraduhin namin na by Friday next week nakalipat na kami dun, kahit anong mangyari. And were hoping to start a new life. Sana nga..

0 comments:

Daily Rants of a Work from Home Wifey Copyright © 2009 Designed by Ipietoon Blogger Template for Bie Blogger Template Vector by DaPino